Unang nailathala sa blog ng linangan, ilalagay ko lang ulit dito.
_______________
Bilang unang kontribusyon sa pahinang ito-para sa lubusang pagkakakilala ng ikaw, ang ako, at ng tayo, hayaan ninyong itanghal ko ang isang bahagi ng pag-aaral sa literatura ng aking pananaliksik ukol sa loob, partikular sa pagbabagong-loob. Isa itong panimula sa isang libog na nais kong ipadama at ipagbigay-alam sa iba, bigyang-buhay at palaganapin sa madla...
Pagbabagong-loob
Ni Michael Gumapos
Ang pagbabagong-loob ay isang proseso na literal na nangangahulugan ng pagbabago ng kalooban. Masasabing katumbas din nito ang salitang "pagbabalik-loob" na tumutukoy sa pagbalik sa magandang buhay o pagtalikod sa masamang landas. Ngunit bago ang lahat, mas mauunawaan natin ang proseso ng pagbabagong-loob kung maiintindihan natin kung ano nga ba ang loob na binabago sa prosesong ito.
Hindi madaling ipaliwanag kung ano ang loob. Sinasabing napakalawak at napakalalim ng pinag-uugatan ng kahulugan ng loob. Dahil dito, hayaan ninyong ihain ko muna ang iba’t-ibang kaisipan tungkol sa loob. Narito ang ilang mga nagawang pag-aaral at pag-usisa tungkol sa loob na nagbigay ng malaking kontribusyon sa pagdaragdag-kaalaman tungkol dito.
Loob bilang Buod ng Pagkatao
Ang loob ay tumutukoy sa parte ng katauhan na hindi bukas upang makita ng ating mata. Ito ay ang panloob na katotohanan ng tao; ang sentro ng organisasyon ng realidad ng tao; ang pinaka-sona ng pagiging isang nilalang na naglalaman ng kaisipan, pakiramdam at pagkilos; at ang kalagitnaan ng pagiging isang tao at kung saan ang tunay na halaga ng isang tao ay nahihimlay (de Mesa, binanggit ni Miranda, 1989). Maaari din itong tingnan sa limang klasipikasyon: ang intelektwal, bolisyonal, emosyonal, etikal, at sari-sari. Ibig-sabihin, ang loob ay konektado sa pag-iisip, pag-gusto, pag-dama, at pagiging mabuti (Mercado, 1974).
Makikita sa mga kaisipang ito ang tunay na kahalagahan ng loob. Itinuturing itong buod ng pagkatao kung saan nanggagaling lahat ng iba pang konseptong tinataglay ng isang tao. Walang isang salitang Ingles ang kayang magsalin ng salitang “loob”. Maituturing ito bilang isang malawak na termino kung saan ang pangkabuuang konsepto ay hindi maisasalin sa isang salita lamang at naka-ugnay sa maraming kahulugan. Kung kaya't bilang isang komplikadong realidad, nararapat lamang na maging maingat sa semantikong pag-aaral ng kahulugan nito.
Ang sarili ay mayroong loob at ang sarili ang bumubuo o nagbibigay ng anyo sa sarili nito sa pamamagitan ng loob. Ang personalidad at karakter ay representasyon lamang ng ekspresyon ng loob (Miranda, 1989). Ang tunay na kahulugan ng loob ay wala sa katauhan (panlabas na sarili) lamang o sa pagkatao (panloob na sarili) lamang, ngunit sa pagsasama ng dalawang ito. Ang loob ay nagpapatunay lamang na ang mga Pilipino ay may pangkabuuang pagtingin sa sarili.
Loob at Labas
Ayon kay Salazar (1977) sa kanyang artikulo sa pagsusuri ng konseptong “kaluluwa” at “ginhawa” at iba pang konseptong kaugnay nito na nagpapahiwatig ng pagkatao mula sa loob, “pundamental... ang pag-unawa sa ‘panloob’ at ‘panlabas’ na katangian ng mga konsepto.” Pundamental din aniya ang kaluluwa at ginhawa “sa kaayusan ng tao mula sa loob tungo sa labas, bilang isang pagkataong may maayos na pakikipag-ugnayan sa realidad.” Idinagdag pa niya na ang “loob” ay larangan ng purong suheto, walang panahon, indibidwal, hindi pangkasaysayan, estatiko, pansarili, bagamat may kaugnayan din ito sa “labas,” na siyang daigdig ng obheto.
Ipinakita dito na ang bawat indibidwal ay may loob at may labas--ang loob ay nagbibigay-daan sa gawa o pagkilos. Kaya't kung nais mo (o hindi man) na ipaalam kung ano ang iyong nasasa-loob ay ginagamit o nagagamit ang labas upang makita ito ng ibang tao, intensiyonal man o hindi.
Tambalang Labas, Loob at Lalim
Kaugnay ng kaisipang ito, pinagtambal ni Covar (1993) ang labas at loob upang makabuo ng apat na pares ng mga bahagi ng katawan na magtatakda sa pagkataong Pilipino. Ang mga ito ay ang (a) mukha at isipan, kung saan ay sa mukha nasasalamin ang iba’t ibang karanasan, at sa isipan naman nagmumula ang diwa, kamalayan, ulirat, talino, at bait; (b) dibdib at puso, na ang dibdib ay pandama ng damdamin at ang puso, itinuturing na kaugnay ng buhay; (c) tiyan at bituka, naglalarawan ng lagay ng pagkatao; at (d) sikmura at atay, bilang pagtanggap sa mga bagay-bagay at basehan ng kapalaran.
Sa kanyang pagtalakay ng pagkataong Pilipino, ginamit niya ang banga bilang metapora sa katawan ng tao (Covar, 1993). Ang banga ay may labas (mukha, dibdib, tiyan, sikmura), loob (isipan, puso, bituka, atay), at lalim (kaluluwa, budhi).
Ayon kay Covar (1993), “malalim at malawak ang pinag-uugatan ng konsepto ng loob” kung kayat mas magiging malinaw at mas madaling maiintindihan kung ito ay ilalarawan sa konteksto ng isang sisidlan na kung alin ay may loob na nilalagyan ng laman tulad ng ating loob at kalooban, may labas na siyang tumatakip sa loob at kaanyuan na maaaring makita, at lalim kung saan “tumatahan ang kaluluwa, kaniig ang budhi.”
Loob, Lalim, Lawak at Laman ng Loob
Ang loob mismo ay may loob, lawak, lalim at laman mungkahi naman ni Alejo (1990). Ang “loob” ang siyang panloob na sarili, ang buod ng pagkatao at siyang kinasasalalayan ng tunay na halaga ng isang tao; ito rin ang mismong kalawakan ng pagkanilikha na siyang salalayan ng ideya, damdamin at pagkilos kung kayat ang “loob” ay hindi maaaring ikahon lamang sa simplistikong paghahati ng “loob” at “labas”.
Ayon kay Alejo (1990), “ang loob ay isang kumpol-diwang talagang hitik at siksik sa kayamanan.” Sa kanyang librong Tao Po! Tuloy! siya ay nagbigay ng pakahulugan at mga salitang naka-kabit sa loob (ng tao):

puso; kalooban; diwa; malay; malay-tao; kamalayan; ulirat; damdamin; pagnanasa; bolisyon; dibdib; sikmura; budhi; ugali; asal; alaala; pasiya; katauhan; pagkatao; uri ng pakikitungo; kaibuturan; bukal ng pagkatao; sarili; ang tao sa kanyang kalaliman; ang tao sa kanyang kakanyahan; kaakuhan; kairalan; ang tao bilang kapwa; ang tao bilang kabukasan; “May ipu-ipo ang bibig, sa loob ay walang tubig.” ang tao sa kanyang kabuuan; ang tao sa kanyang abot-malay, abot-dama, at abot kaya; ubod at daigdig ng makahulugang pakikipag-ugnayan; tao bilang siyang iniaalay at tumatanggap sa palitan ng ugnayan; luklukan ng mga damdamin, kaisipan, guni-guni, pangitain, pagpapasiya, at iba pang galaw ng kalooban; salalayan ng pagbabago sa kalooban; batayan ng tunay na halaga ng pagkatao, dangal, at karapatan; tao bilang nakikipag-ugnayan; tao bilang nananagutan; tao bilang tinatablan; dakong pinananahanan ng Diyos sa tao.
Sa depinisyon pa lamang ng loob ay makikitang hindi malilimita sa iilan lamang ang kahulugan at gamit ng katagang ito. Hindi lamang sa isang perspektibo ito maaaring tingnan kundi sa iba’t-ibang pagtanaw sa ibig nitong ipakahulugan. Dahil dito, hindi madaling makita ang loob. Binanggit ni Alejo (1990) na malawak (“ang siyang pagdipa ng tanawin sa harap ng ating paningin na nabubuo sa ating paningin mula sa kaliwa pakanan, mula sa ating kinatatayuan hanggang sa abot ng ating tanaw, at paikot pa”) ang sakop, malalim (“ang pagkahulog ng pagdanas mula sa ibabaw pababa, patungo sa nakatago, liblib, hindi makita o matanaw sa pagyuko”) at masalimuot ang landas na tatahakin bago lubusang maintindihan kung ano ang loob. Idinagdag din niyang ang lalim at lawak ay maaaring magbunga ng lalagyang loob bilang ka-bukas-an na maaari ring maglaman ng loob.
Kulay ng Loob
Maaari ring sabihing ang loob ay may taglay na kulay. Nagbabago ang kulay ng loob batay sa mga karanasan, konteksto at sitwasyon (mula sa labas, patungo sa loob, babalik o magpapakitang muli sa labas). Maaari itong makita sa mga katagang “maitim ang budhi,” “madilim ang paningin,” “busilak ang kalooban,” “berde ang pag-iisip,” “dugong bughaw,” “makulay ang buhay,” at iba pa.
Makikita rin sa mga simbolikong kulay na pinapakita sa labas tulad ng paggamit ng pulang bandila kung may mga pag-aalsa, pag-ibig o kaarawan; paggamit ng itim, puti o lila kung nakikiramay sa mga namatayan; pagsusuot ng puting damit pangkasal bilang simbolo ng malinis na puri kapag ikinakasal; asul o puti para sa kapayapaan at kalayaan; luntian para sa kapaligiran; at marami pang iba.
Ang interpretasyon ng kulay bilang simbolo ay naka-salalay sa kultura kung saan ito ginagamit. Tunay ngang maraming halos magkakatulad ang kinakatawan ng bawat kulay sa iba’t-ibang kultura ngunit maaari ding mag-iba ang kulay na katumbas ng kalooban. Isang halimbawa ay ang kulay bughaw na maaaring maging simbolo ng kalungkutan sa kanluraning kultura.
Loob Bilang Unang Pwersa
“Ang pag-angkin ay hindi lamang pag-aangkop ng agham sa kapilipinohan kundi pagiging orihinal at mapag-paunlad matapos maangkin ang dapat at maaaring angkinin. Higit sa lahat, ang pag-aangkin ay gawain ng isang kulturang may kakanyahan at may kasarinlan” (Salazar, 1976).
Ito ang naging batayan ni Roberto Mendoza (1997, 1998) sa kanyang artikulong Loob, Labas, Lalim at Liwanag. Sa artikulong ito, “inangkin” niya ang mga teoryang banyaga upang ilapat sa ating konteksto at upang maging mas madaling maintindihan ang kahalagahan ng mga ito sa ating katutubong sikolohiya.
Kasama ng Labas (ang pagkilos ay impluwensya ng mga panlabas na pwersa/ganyak-tugon), Lalim (mas malalim na pagtingin sa pagkatao/kaibuturan) at Liwanag (ganap na pagkakakilala sa sarili sa pamamagitan ng pag-unawa sa loob, pagkasuri sa labas, at pagdanas sa lalim), itinuring niya ang Loob (ang tao ay may sinusunod na panloob na di-rasyonal na lakas) bilang isa sa apat na puwersa o paraan ng pagtingin sa tao at sa daigdig, sa sikolohikal na pagbuo ng teorya tungkol sa pagkatao at pagkilos.
Minsan ang tao ay may mga ginagawang hindi natin makayang, o nahihirapan tayong, kontrolin. Kailangang tingnan at pag-aralan ang mga panloob na pwersang ito upang malaman natin kung papaano ito pamahalaan, at magagawa lamang ito sa pakikipag-kaibigan natin sa ating di-malay. Layunin din nito ang makatulong sa pagpapaliwanag at pagbibigay ng katuturan sa mga di-maipaliwanag na pwersa dahil ang pagkakaunawa sa loob ay pag-intindi at pagbibigay-kahulugan sa pananaw na kung ano ang nasa ating loob ay nagtutulak, namimilit, at nag-uudyok sa atin upang gawin ang mga bagay-bagay, upang mabuhay, at magbigay kahulugan sa ating pang araw-araw na pamumuhay.
Pagbabagong-loob
Ang pagbabagong-loob ay binibigyang kahulugan bilang pagbabagong buhay; pagpapalit ng kinikilingan, karaniwang ginagamit sa pagbabalik sa mabuti; pagbaliktad ng daigdig ng mga kahulugan, kaya't nakikita ngayon ang mga bagay sa liwanag ng kakaibang pananaw; kumbersyon; pagbabago ng kalooban.
Kadalasan ay ginagamit din ang pagbabalik-loob kapag tumutukoy sa proseso ng pagbabago. Ito naman at nagpapahayag na ang loob ay likas na mabuti, na kung minsan ay dumaranas ng mga itinuturing na negatibong mga bagay—pagbigat ng loob, paghihirap ng loob, sama ng loob, kapusukan ng loob, pagkulo ng loob, pagtatanim sa loob, pag-itim ng loob, paglayo ng loob, at iba pa—at bumabalik sa kalikasan ng loob (Alejo, 1990). Sa ating pagkakaintindi ng loob, kasama sa pagbabagong ito ang kabuuan ng pagkatao—malay, dama, ulirat, diwa, kamalayan, ugali, budhi, isip, bait at ginhawa (Miranda, 1989; Salazar, 1977; Mercado, 1974; Covar, 1974)—na maaaring umikot o bumaligtad.